Posibleng may ma-encounter kang “masasamang actor” na nagtatangkang manggaya ng mga empleyado ng Disney para magkaroon ng access sa personal mong impormasyon, o kung hindi man ay i-scam ka. Kilala rin ang gawaing ito bilang “phishing”. Kung nagdududa ka, bisitahin ang my.disney.com at ikonsidera ang pag-reset sa password mo para mapanatiling secure ang account mo.
Pumili ng tanong sa ibaba para sa higit pang impormasyon:
- Ano ang dapat kong bantayan?
- Paano kung may matanggap akong kahina-hinalang link?
- Paano kung na-click ko na ang link?
Ano ang dapat kong bantayan?
Kung nape-pressure ka o kung may agam-agam ka, narito ang ilang mahahalagang paalalang dapat tandaan:
- Hindi kailanman hihingiin ng isang empleyado o agent/kinatawan ng Disney ang buong credit card number mo, mga detalye ng bank account mo, o password mo sa telepono o sa chat
- Hindi kailanman hihilingin sa iyo na bumili ng mga gift card o money order para bayaran ang serbisyo mo
- Hindi biglaang maglalabas ang Disney ng numero ng telepono sa aming app, o sa aming mga web page, sa labas ng Disney Help Center
- Sa pangkalahatan, hindi ka ididirekta ng Disney sa isang hindi kilalang third party para sa suporta, pero sa ilang pagkakataon, posibleng kailangan mong kontakin ang billing party mo (Apple, Google, atbp.), manufacturer ng device mo, o pampromosyong partner mo para sa karagdagang tulong sa mga isyung hindi namin kontrolado
- Hindi ka namin kailanman sasabihang mag-install ng third-party software para mag-troubleshoot
- Mag-ingat sa mga site na kamukha ng Disney pero hindi talaga. Ang mga lehitimong site ng Disney ay may tuldok bago ang “disney.com” (hal., support.disney.com)
- Hindi ka kailanman kokontakin ng Disney gamit ang social media, email, text, o numero ng telepono para maningil o hingiin ang pribadong impormasyon ng account mo, gaya ng password o mga detalye ng billing
Paano kung may matanggap akong kahina-hinalang link?
Kung may matanggap kang kahina-hinalang email o text, narito ang ilang tip para tulungan kang manatiling ligtas:
- Huwag mag-click ng anumang link o magbukas ng anumang attachment
- I-delete ang email o text
- Kung hindi ka sigurado kung lehitimo ito o hindi, kontakin kami nang direkta
Paano kung na-click ko na ang link?
Kung nakapag-click ka na sa isang link na sa tingin mo ay kaduda-duda, o kapag nakapaglagay ka na ng impormasyong sa tingin mo ay kinolekta sa masamang dahilan, posibleng makatulong sa iyo ang mga sumusunod na hakbang para manatiling ligtas:
- I-update ang password mo sa MyDisney* at gawin itong kumbinasyon ng mga character na mahirap hulaan at sa MyDisney lang ginagamit
- I-update ang anumang karagdagang site o app kung saan mo ginamit ang parehong email address at password
- Kung naglagay ka ng anumang pinansyal na impormasyon, pinakamainam kung kokontakin mo ang iyong (mga) pinansyal na institusyon para mapigilan ang mga pagtatangkang manloko
- Kung sa tingin mo ay may naka-access na sa MyDisney account mo, puwede kang mag-log out sa account mo mula sa lahat ng device o puwede mo kaming kontakin nang direkta
*Sa pamamagitan ng pag-update sa password mo, maa-update din ang impormasyon ng login mo sa MyDisney — ilalapat ang pagbabagong ito sa iba pang serbisyo at experience na gumagamit ng MyDisney sa The Walt Disney Family of Companies.