Para sa madali at magandang experience sa pag-log in, puwede kang gumamit ng isang email address at password para mag-sign in sa mga paborito mong serbisyo at experience sa buong The Walt Disney Family of Companies. Ang email address at password na ito ay ang login mo sa MyDisney.
Sa tuwing magpapalit ka ng email address o password mo sa MyDisney, ia-update ang mga detalye ng login mo sa lahat ng serbisyo at experience na mayroon ka sa The Walt Disney Family of Companies. Bilang panseguridad na hakbang, makakatanggap ka ng kumpirmasyon sa email kapag nabago ang email address o password mo sa MyDisney.
Alamin pa ang tungkol sa MyDisney sa pamamagitan ng pagpili sa isa sa mga opsyon sa ibaba:
- Paano ko ise-set up ang MyDisney?
- Anong mga serbisyo at experience ang gumagamit ng MyDisney?
- Nagkakaproblema ako sa MyDisney
Paano ko ise-set up ang MyDisney?
I-set up ang login mo sa MyDisney* sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang bagong serbisyo o experience mula sa The Walt Disney Family of Companies. Ang email address at ang password na gagamitin mo ang magiging login mo sa MyDisney, na puwede mong gamitin para mag-log in sa mga karagdagang serbisyo at experience sa susunod. Puwede mo ring bisitahin ang my.disney.com para gawin ang login mo sa MyDisney.
*Kung nakapag-sign up ka na dati para sa isang serbisyo o experience mula sa The Walt Disney Family of Companies, ang email address at password na ginamit mo ang magiging login mo sa MyDisney.
Aling mga serbisyo at experience ang gumagamit ng MyDisney?
Kabilang sa listahan ng mga kasaling serbisyo at experience sa The Walt Disney Family of Companies ang mga sumusunod, pero hindi ito limitado sa mga ito:
- Disney+
- ESPN
- Walt Disney World
- National Geographic
Kung gusto mong pamahalaan ang iyong mga serbisyo at karanasan, pumunta sa my.disney.com o makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang suporta. Para sa impormasyon kung paano papamahalaan ang mga streaming account mo, bisitahin ang help.disneyplus.com.
Nagkakaproblema ako
Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign in, sundin ang mga hakbang para i-reset ang password mo*. Kung nagkakaproblema ka pa rin, pakikontak kami para sa karagdagang suporta.
*Pakitandaan, kung ia-update ang email address o password mo, ilalapat ito sa lahat ng iba pang serbisyo o experience sa buong The Walt Disney Family of Companies.